Editorial's Desk

by Jubaida Aquino, MD


Gunitain natin ang ating kasaysayan.

Para sa nakaraang Sight Saving Month nung Agosto, iniaalay ng eFocalPoint Staff ang lathala na ito sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal na sya ring patuloy na inspirasyon ng ating propesyon. Ang pagiging oftalmologico ni Jose Rizal ay isang bahagi ng kanyang pagkatao na madalang mapag-usapan. Kung kayat mababaw ang ating kaalaman ukol sa katangi-tanging abilidad at kontribusyon ni Rizal sa ating propesyon. Naway sa pagbasa ng isinulat ni Dr. Minguita Padilla ay matuto tayo sa buhay ni Rizal.

Ang Walk for Sight ay tanda ng simula ng ating pagdaraos ng Sight Saving Month. Ito ay simbolo ng pagkakaisa ng iba’t-ibang institusyon at organisasyon na patibayin ang ating Eye Health Care upang masupil ang sanhi ng pagkabulag na maaring maiwasan.

Umaasa kami na sa paggunita ng ating nakaraan ay magiging daan ito upang muling magliyab ang sigla ng inyong damdamin para sa pagsulong ng ating propesyon.

 

Jubaida Aquino, MD
Editor-In-Chief

 

 


About The Author

Jubs started in eFP as an Institutional Correspondent when she was a 1st year resident at EAMC Eye Department. She loves taking selfies, though she never posts the pics. An advernturer and free-spirit at heart, she enjoys long road-trips even to parts unknown.